this blog is made just for fun hahah :) i just want a site where i can place some of my thoughts and maybe problems and success is my life and love life i am not that addict to blogs and making blogs but i just do it and i will just enjoy it and have some fun i wish that you have fun in reading my blog (.^_^.)
Friday, July 22, 2022
Pumkin
Wednesday, June 8, 2022
Maling Akala
Akala mo okay lang ako na pa easy easy lang ako sa buhay na parang walang nangyayari sakin na parang wala akong pake alam sa buhay. Hindi mo kase alam ang takbo nang isip ko. Oo marami na kong iniisip na pwedeng tama o mali, overthinker nga ehh, naiisip ko na na pwedeng may iba ka nang gusto na may iba ka nang kausap kaya wala ka nang paramdam na baka may iba nang nagpapatibok nang puso mo kaya balewala na ko sa buhay mo.
Hindi mo naman maaalis sakin na magisip kase di na tayo tulad nang dati, oo alam ko nauubusan o boring ako kausap, alam ko di ko maitatanggi yun ganun ako ehh para akong robot na kailangan mo utusan para gumalaw, mahiyain ako sinasabi ko lagi di lang halata kase kapag kinausap mo ko sasagot ako, kung mag kwento ka magkkwento din ako.
Matagal din tayong hindi nagkausap, chat o tawag pero inintindi ko kase busy ka, tiniis ko kahit mahirap para sakin dahil wala naman akong ibang nakakausap ehh, maingay o jolly ako sa tropa pero wag ka papalinlang kaya nga ako joker kase masayahin kahit nasasaktan, oo lagi mo kong makikitang masaya pero hindi dahil masaya ako kundi dahil di ko lang pinapakitang malungkot ako.
Ang dami ko nang gustong sabihin na pwedeng masakit o masama sayo pero nagkikimkim ako nang nararamdaman ko, tinatago ko lang ang lahat kase ganun tlga ko di ko masabi ang gusto ko dahil baka makasakit ako nang dahil sa mali ako o pwedeng ako masaktan dahil tama ako. Kaya malamang na ikaw na nakakabasa nito ang may alam dahil dito ko lang nasasabi ang mga naiisip ko.
Oo di na kame nahkakausap atleast di tumama ang tropa na 2 months lang wala na kase umabot naman nang 6 months pero eto na nga di mo naman mababasa to kung wala nang sakit akong maiisip o mararamdaman kase dito ko lang naman nasasabi kung ano ang nasa isip ko ehh, ikaw lang ang makakabasa nito dahil di ko naman ito inilalabas sa madla kase nga di ko naman masabi sa lahat ito lalo na sa kanya.
Oo nasasaktan nanaman ako, alam ko kakalagay ko lang din kung paano akong nahulog sa kanya pero eto sumulat ulet ako kung ano ang nararamdaman ko, dito ko lang naman nasasabi ang gusto kong sabihin. Malungkot na di na tayo nagkakausap o parang nagkakalayo na nga tayo bbgirl, nagging masaya naman ako sa pagsasamahan natin kahit ngayon di ko na alam kng ano nga bang meron sating dalawa.
Di ko alam kung ano nga ba ang kahahantungan nang kalokohan kong ito, di na nga ako sigurado noong una nagkalabuan pa ngayon, lalo nang hindi sigurado kung ito na nga ba ang dulo nang kwento nang buhay ko. Alam ko na pang habang buhay na relasyon na ang hanap ko pero sana ito na ehh kaso di parin ako sigurado kung eto na nga ba talaga.
Alam ko sa trabaho mo marami kang pwedeng makilalang iba na pwedeng humigit pa sakin pero diba magandang pagsubok din yun kung totoo ngang ako ang gusto mo? Na eto ang tunay na pagsubok dahil malalaman ko kung totoo ka nga o hindi, pero bakit nasasaktan padin ako bakit mahirap parin sakin tanggapin na eto na ang pwedeng dulo nang lahat.
Di ko lubos maisip na pwedeng ito na ang katapusan nang panibagong kwento nang buhay ko, na kailangan ko na ulet bumalik sa paghahanap nang maaaring bumuo o tumapos nang kwento ko para sa happily ever after, yung makakasama ko sa habang buhay, yung matatanggap lahat nang tama at mali sa buhay ko, yung .magsasabi nang i do.
Di ko na alam kung san pa ko pupulutin nang buhay ko o kung saan pa patungo ang lakbaying ito. Meron pa nga bang happily ever after para sakin o tatanda nalang akong magisa. Ilang taon nanaman akong maghihintay para dumating ang babaeng para sakin kung hindi man ikaw yun, pero wala naman kasing "tayo" kaya di ko rin masabi o maisip na may ginawa kang mali. Umasa na nga lang ata ako na magugustuhan mo o may ako sa buhay mo.
Ngayon di ko na alam kung tama ba ang sinasabi o iniisip ko, gusto kita oo pero di naman ako sigurado. Oo overthinker ako kaya naiisip ko to pero di mo naman maaalis sakin magisip o magtanong kung ano nga ba ako sa buhay mo, siguro nga mahal na kita kaya ko naiisip to pero hindi mo alam kase hindi ko naman masabi sayo pero alam ko alam mo kung gaano kita kagusto, hindi lang tlga ako sigurado sa nararamdaman mo.