Masakit ang magging option, malamang isa ka sa madaming pagpipilian, isiping ikaw ang mahal nya pero may gusto syang iba, umasa na sana balang araw ikaw lang at wala nang iba.
Ang sakit isipin na noon merong mahal kita sa kada umaga, na mayroong ingat ka sa paguwi, yung merong miss na kita kada hindi kayo nagkikita na merong wag mo akong iiwan sa kada may tampuhan.
Umasa ako na sa pagdating nang panahon ako nalang yung taong magpapasaya sayo, yung taong tanging titibukin nang puso mo, yung ako na hinahanap hanap ko kada oras na hindi tayo magkausap.
Naramdaman mo ung pagmamahal na hinahanap mo nang matagal pero di rin pala magtatagal at maghahanap ka na ulet nang taong magpaparamdam sayo kung paano ang magmahal.
Ang hirap mong hanapin sa totoo lang pero ang hirap mo rin paamuhin, iba ka sa mga nakilala ko pero iba ka rin dahil kilala nlang kita ngayon. Pero kahit di ka nagtagal ay mahal na mahal parin kita.
Akala ko maaaring ako na ung taong makakasama mo habang buhay pero ako pala ung makakasalamuha mo lang habang may buhay dahil hindi lang pala ako ang nagmamahal sayo dahil option mo lang ako.
Isa ka sa mga babaeng baliw sa pagibig kase ang tanga mo, pero mas nagging tanga ko sayo na kahit alam kong mali ay pilit kong itinama ang katangahan ko dahil sa merong ikaw na akala ko sakin.
Nagging masaya ako oo higit pa sa mga nakaraang saya na naramdaman ko, nakuntento ako sa mga bagay na alam ko may kahati ako, oo masaya ako pero alam ko na may hangganan ang mga ito.
Hindi man ito nagtagal nang anniversary pero ramdam ko at alam ko na parang higit pa sa taon ang pinagsamahan natin na kapag babalikan ko ang mga nakaraan ay mapapangiti nlang ako at maluluha.
Hanggang sa dumating na nga ang panahong mawawala kana gaya nang lagi mong tanong na pano kapag nawala ako? Na kahit noon pa man ang isa sa mahirap na tanong na sasagutin ko.
Oo wala na siya, iniwan na akong nagiisa, pero anong laban ko? Kng wala naman akong papel sa buhay mo? Hindi ko man maibalik ang nakaraan upang ayusin ang mga mali ko pero lagi mong tatandaan na merong ako na tunay na nagmahal at nagmamahal sayo sa kabila nang sakit na alam ko alam mo na binalewala ko dahil sa salitang mahal kita pero ang lahat naman nang kwento may katapusan .
A sorry
Yes she's so incredible, outstanding, beautiful and inevitable. Yet she make me feel loved and i just happen to loved a seemingly good to be an option girl.
No comments:
Post a Comment