Wednesday, February 2, 2011

A Perfect Relationship

Hindi sapat sa isang relasyon ang mahal mo sya at mahal ka din nya pra maging masaya kayo o pra mag mukang perpekto na ang relasyon niyong dalawa, hindi rin dahilan iyon pra maiwasan nyo ang pagaaway o pagkakatampuhan dahil lang mahal nyo ang isat isa, trust o tiwala sa isat isa ang dapat na kasama ng word na pagmamahalan dahil kung may pagtitiwala kayo sa isat isa ay maari nyong maiwasan o mabawasan ang tampuhan o ang pagaaway  pero hindi naman ito nawawala sa isang relasyon db? isa rin ito sa nagpapatibay ng pagmamahalan ng maraming couple.

Isa pang importante ay ang salitang "Contentment" yan ang wala sa maraming tao na nagmamahal at sa relasyon na tinatawag na syota o "Short Time" kung tawagin ng iba, Ndi nakukuntento ang tao sa isa lang kea kadalasan ang isang relasyon ay hindi tumatagal kahit anong pilit mo na patatagin ito o pwede ring hindi ka sapat sa taong mahal mo ng buong puso maaaring wala sayo ang katangian ng taong mamahalin nya ng katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo para sa kanya.

Hindi nmn lhat ng mga taong mamahalin mo ay dapat mong pagkatiwalaan syempre piliin mo ung taong karapat dapat pagkatiwalaan at mahalin at kapag nakilala mo na ang taong un dapat makuntento ka sa taong un kung hindi wla ring patutungauhan ang relasyon nyong dalawa.

Nakakainggit ang mga relasyong pareho silang nagmamahalan, may tiwala sa isat isa, parehong kuntento na sa taong inibig nila at pinangakuang mamahalin nila ang isat isa, para sa akin ito na marahil ang isang perpektong relasyon at ito ang tipo ng relasyon na pangarap kong magkaroon ako at kapag nahanap ko na ang taong mamahalin ko hinding hindi ko na sya pakakawalan pa at pinapangako kong siya lang ang iibigin ko ng buong puso ko at buong buhay ko.

No comments:

Post a Comment