Monday, June 4, 2018

SANA

Sana all happy, sana all swerte, sana all walang problema, sana all...

Sana, eto yung word na lagi mong sasabihin kapag minamalas ka, kapag malungkot ka o kapag nanghihinayang ka sa isang bagay na SANA ginawa mo.

Sana, lagi nalang sana kaso wala ehh nangyari na, sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi kung bakit kase hndi mo ginawa? Bakit kase nagdalawang isip ka? Bakit kase hndi ka sumugal? At kung bakit kase natakot ka?

SAan NA nga ba nagsimula yung saya noon? Dati walang araw na malinaw pa sa sikat nang araw kung ngumiti ka, yung akala mo walang malas na dumadapo sa buhay mo dahil sa araw araw na ginawa nang diyos parang walang lungkot sa buhay mo? Pero bakit ganon? Nababanggit mo na ung sana? Tinatanong mo na sana?

Sana? SAwi NAnaman? Di kna kase natuto ehh paulit ulit ka nalang ganyan di mo malaman kung malas ka lang ba talaga sa pag-ibig o sadyang tanga ka? Umasa ka nanaman sa taong ikaw mismo alam mong malabo na magtagal o magmahal.

SApat NAman sayo yung masaya ka kausap mo siya, yung tipong nagiging makakalimutin ka kase kapag kausap mo siya parang paru parong nagliliparan sa paligid mo ang sayang nadarama mo ung mga oras na di ka maubusan nang ngiti at kilig sa katawan

SAktong NAgkakaintindihan kayo sa mga bagay na minsan pinagtatalunan nyo rin naman, ung mga usapang walang katuturan pero kakikiligan. Sakto na magkaibigan lang din pala magiging dulo nang lahat nang ito.

Sana minahal nya rin ako tulad nang kung ano sya sa akin, sana sinubukan nyang intindihin kung ano nararamdaman ko para sa kanya, sana inisip nyang maigi at paulit ulit kung okay ba ako sa kanya bago sya nagdesisyon na friends, sana nagtagal pa ung kame kahit na walang kame. 😊

Minsan, madalas o palagi naman na mapupunta ka sa maling tao hndi dahil mali ka nang tinahak na landas o nagkamali ka nang desisyon sa buhay, kase hinahanda ka lang para sa susunod na kabanata nang buhay mo dahil hndi kapa siguro handa o kulang pa ang experience mo para makalagpas ka sa kung nasaan ka man ngayon, kaya minsan masasabi mo nalang na SANA.